BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Dindo Abellanosa, Regional Information Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga na umabot sa 8,219,712.00 ang halaga ng shabu ang nakuha sa buybust operasyon sa Purok 1, Brgy. Mabua, Surigao City, Surigao del Norte sa nakaraang araw.
Napag-alamang may timbang na 1,027.464 gramo ang nakumpiskang shabu habang naaresto naman ang 4 na indibidwal na sina Jayson Tumbaga ang Regional Target-Listed Drug Personality na residente sa Purok 2, Brgy. Taligaman, Butuan City; Emma Grace Junior na taga Barangay JP Rizal, Butuan City; Roche Cutamora residente sa Barangay Ampayon, Butuan na parehong mga nagpositibo sa drug test habang ang ikaapat ay si Rupert Joan Tumbaga na taga Barangay Antongalon, Butuan City.
Kasama sa nakumpiska sa tropa ang dalawang pakete ng dahon sa marijuana, isang unit ng 9mm caliber pistol na may magazine at 10 na bala, 3 cellphones, pera na aabot sa 22,900 peso, 29 na isang libo na boodle money, marked money na one thousand pesos at isang unit sa motorcycle Z900.
Ayon kay Abellanosa na sa buong Caraga umano ang operasyon ni Tumbaga na ang source sa kaiyang shabu ang galing sa Lanao Area.
Sa ngayon ay inihanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.
Kasunod nito, inihayag ni Abellanosa na ang PDEA-Caraga ang Top 1 sa buong Pilipinas para sa unang semester nitong taon.