-- Advertisements --

Balak ngayon ng mga otoridad na baguhin ang unang walong araw ng Olympic torch relay sa siyudad ng Tokyo dahil sa pangamba sa hawaan sa COVID-19.

TOKYO TORCH oLYMPICS

Ayon sa mga organizers iiwas muna sila sa mga matataong lugar o public roads para makaiwas din sa super spreader events.

Inaasahan kasi na sa July 9 ay darating na ang traditional torch relay sa Tokyo at ipaparada ito sa mga sentrong lugar hanggang sa grand opening ng pinakalamaking sporting event sa buong mundo sa July 23.

Sa ngayon hindi pa tinukoy ng Olympic organizers ang mga lugar na dadaan ng Olympic torch relay sa Tokyo lalo na at ang host city ay nasa state of emergency pa hanggang July 11 dahil sa pangamba sa COVID surge.