-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni Mayor Evangeline Pascua-Guzman katuwang si Vice-Mayor Herlo Guzman Jr ang pagsasaayos at paglilinis ng pampublikong sementeryo ng bayan.
Makalipas ang paglilinis ay sinisimulang muling pinturahan ang nasabing sementeryo na matatagpuan sa Bonifacio Street ng Brgy. Poblacion.
Isinasaayos na rin ang mga pundidong ilaw upang maging maliwanag ang nasabing lugar batay sa kautusan ni Mayor Gelyn.
Samantala, tiniyak naman ni Mayor Gelyn na susuporta ito sa ano mang plano ng kapulisan para sa peace and security ng bayan sa darating na undas.
Pagtitiyak pa nito na magiging kaisa ang Traffic Management Unit ng bayan upang masiguro ang traffic system.