-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ng state weather bureau PAGASA ang namataan na sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ito ay batay sa l0:00 a.m weather bulletin ng DOST-PAGASA ngayong linggo, Nobyembre 3,2024.
Namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 1,495 km Silangan ng Silangang Visayas.
Ayon sa state weather bureau mataas ang tyansa na maging bagyo ang namataang LPA sa susunod na 24-oras.
Posibleng papasok sa PAR ang LPA gabi na ngayong Linggo o bukas ng maaga ng Lunes, November 4,2024.
Sakaling maging bagyo na ito tatawagin itong ‘Marce’ ito na ang ika-12 bagyo na papasok sa taong 2024. (JOHN FLORES)