-- Advertisements --

Patuloy na makakaapekto sa ilang lugar sa Palawan ang namataang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Sa kabila ng paglabas nito sa teritoryo ng bansa, magdadala ito ng mga pag-ulan at thunderstorm sa naturang lalawigan.

Ayon state weather bureau , patuloy itong lalayo sa bansa , hihina at tuluyang malulusaw.

Nagbabala naman ang ahensya sa publiko na maging alerto sa mga insidente ng pagbaha dahil sa mga pag-ulan partikular na sa Eastern Visayas, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Quezon, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.

Samantala, ang amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa lalawigan ng Batanes.