Ganap nang naging bagyo ang namataang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ito ang kauna-una unahang bagyo na nabuo sa loob ng teritoryo ng bansa ngayong taon at tatawagin na bagyong Aghon.
Batay sa datos ng Bombo Weather Center, ang mata ng bagyo ay kasalukuyan namataan sa layon 340 km sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
- READ • High-risk “Charlie” emergency response protocol, inactivate sa 4 na rehiyon dahil sa bagyong Aghon
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna ay may pagbugso na umaabot sa 55 km/h.
Kasalukuyan itong kumikilos pa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 30km/h.
Dahil sa naturang bagyo, maaaring makaranas ng mga pag-ulan na may kasamang bugso ng hangin ang Eastern Samar and Dinagat Islands.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman ang iiral sa Bicol Region, Northern Mindanao, Davao Region, at nalalabing bahagi ng Visayas at Caraga Region.
Easterlies naman ang makaka apekto dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa kaya asahan pa rin ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa bandang hapon at gabi.
Sa ngayon,nakataas ang Tropical Cyclone Signal Number 1 sa Eastern Samar, Dinagat Island,Siargao Island at Bucas Grande Island.
Batay sa ipinapakitang track nito ay may posibilidad na mag land fall ito sa may bahagi ng Eastern Samar.
Magiging maulan rin sa ilang lugar sa Bicol Region pagsapit ng Weekend dahil ito lalapit sa rehiyon bago tuluyang magbago ng direksyon.
Inaasahan namang lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules sa susunod na Linggo.