Lumagpas na ngayon sa 4,000 ang mga nasawi sa ilang panig ng mundo dahil sa deadly virus na coronavirus disease (COVID-19).
Sa latest data umakyat pa sa 4,027 ang death toll.
Mula nitong umaga nasa 19 ang panibagong nadagdag.
Pero bago ito sa nakalipas na 24 oras nadagdag ang halos 100 na nagmula sa Italy.
Samantala patuloy din naman sa paglobo ang infected ng virus sa buong mundo magmula noong buwan ng Disyembre na umabot na sa 114,422.
Pero sa naturang bilang mahigit kalahati na rin ang naka-recover na aabot na sa 64,088 matapos sumailalim sa gamutan at quarantine procedures.
Sa kabuuang bilang ng mga kaso nasa 40,536 o 88 percent sa mga nahawa ay nasa mild condition, habang naitala naman sa 5,777 o 12 percent ang mga nasa seryoso o nasa critical condition.