BOMBO BUTUAN – Kinumpirma mismo ni Capt. Jonel Castillo, Civil-Military Operations Officer ng 901st Brigade Philippine Army na si Myrna Sularte, o mas nakilalang si Ka Maria Malaya, ang top leader at secretary sa communist terrorist groups’ (CTG) Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na kasapi rin Political Bureau ng Communist Party of the Philippines (CPP), ang napatay sa engkuwentro laban sa tropa sa gobyerno sa bukiring bahagu sa Sitio Imelda, Barangay Pianing, Butuan City kahapon sa alas 1:20 ng hapon.
Una nang naganap ang sunod-sunod na sagupaan na nagsimula sa alas 6:10 ng buntag at 6:30 ng umaga rin kungsaan narekober sa tropa ang iba’t ibang kagamitan na pagmamay-ari sa grupo ni Malaya.
Sa bandang tanghali, unang pinaputukan ang mga sundalo dahilang naganap ang sagupaan na humantong sa pagkamatay ni Ka Maria Malaya habang karagdagang mga gamit naman ang nakuha.
Si Maria Malaya ay ang asawa sa namatay na si Jorge “Ka Oris” Madlos, isang prominenteng tao sa New People’s Army (NPA) National Operations Command (NOC), ana napatay noong Oktobre 2021 sa engkuwentro na naganap sa Bukidnon.
Kumikilos si Maria Malaya sa Caraga region at Northern Mindanao, kungsaan siya umano ang responsable sa maraming atrocities kagaya ng pagpatay sa mga sibilyan, paggiba sa mga proyekto sa gobyerno at iba pang hindi magandang gawain sa mga probinsya sa Surigao at Agusan.
Si Malaya ay taga Bayugan City, Agusan del Sur, na nailista bilang most wanted NPA leaders sa bansa. Nahaharap ito ng mga kasong kriminal kagaya sa rebellion,murder, multiple murder at frustrated murder.