-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hinatid na sa kanyang huling hantungan si 1Lt. Sheena Alexandra Tato, isang military flight nurse at isang sundalo sundalo na namatay sa C-130 plane crash sa Patikul, Sulu noong Hulyo 4, 2021 sa Forest Lake sa Ma-a nitong lungsod.

Nagsagawa naman ang mga militar ng 21-gun salute bilang pagbibigay ng huling respeto sa biktima.

Emosyonal ang pamilya ni 1Lt. Tato na hindi pa rin matanggap ang biglaang pagkawala nito.

Kung maalala, dumating sa Davao Air Station, Headquarters Tactical Operations Wing Eastern Mindanao (TOWEASTMIN) ang bangkay ng biktima at agad na dinala sa Ecoland nitong lungsod.

Si Tato ay isang nurse ng Philippine Air Force na nadestino sa Air Force General Hospital, 520th Air Base Wing, Col. Jesus Villamor Air Base, Pasay City bilang Duty Nurse in-charge ng Air Evacuation Section at kinuha bilang officer noong Disyembre 1, 2015.

Nasa 52 ang naitalang namatay matapos bumagsak ang C-130H transport plane crash sa Patikul, Sulu kung saan 49 sa mga ito ay sundali habang tatlo naman ang mga sibilyan.