-- Advertisements --

Pinangangambahang madagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa nangyaring pagbaha sa India.

Sa kasalukuyan, nasa 26 katao na nang patay na kinabibilangan ng limang bata habang marami pa ang missing.

Maraming kabahayan din ang inanod ng baha at maraming residente ang na-trap.

Makikita sa video ang mga bus passengers na ni-rescue matapos ang sasakyan ay nalubog sa baha.

Nagdulot ng baha at landslide ang ilang araw na naranasang pag-ulan sa Kerala, India.

Gumamit na ang mga rescue personnel ng helicopters upang iligtas ang mga taong na-trap sa mga debris at landslides.