-- Advertisements --

Lumobo pa raw sa 215 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa tigdas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Department of Health (DoH) Sec. Francisco Duque III, kinumpirma nitong nadagdagan pa ang kaso ng mga namatay dahil sa tigdas sa bansa.

Gayunman, tuloy-tuloy umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak ng anti measles vaccine para siguruhing ligtas ang kanilang mga anak.

Tiniyak ng opisyal na ligtas ang bakuna kontra tigdas at hindi raw ito kagaya ng Dengvaxia vaccine na nagdulot ng pangamba at epekto sa iba pang bakuna sa bansa dahil hindi ito ligtas gamitin.

Samantala, labis na ikinatuwa ng kalihim ang pag-absuwelto sa kanya ng Department of Justice (DoJ) sa mga kasong isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO)

Aniya,  noon pa man ay alam na niyang ibabasura lamang ng DoJ ang reklamo laban sa kanya.