-- Advertisements --

Pormal nang kinilala ng Guinness World Record bilang “fastest woman on Earth” ang namayapang race car driver na si Jessi Combs.

Pumanaw ang 39-anyos na si Combs matapos na maaksidente nang tangkain nito ang record sa Alvord Desert sa southeast Oregon.

Umabot sa 522.783 mph ang naitala ni Combs gamit ang kaniyang jet-powered car.

Siya lamang ang nakabasag ng record sa loob ng mahigit na 40 taon.

Unang hawak kasi ng stunt driver Kitty O’Neil na mayroong 510.710 mph sa parehas na lugar noong 1976.