-- Advertisements --
Nalusutan ng Rain or Shine ang matinding depensa ng Phoenix Super LPG 90-89.
Naging susi sa panalo ng koponan si Rey Nambatac dahil naipasok nito ang kaniyang pull-up jumper sa natitirang 22.2 seconds para maitabla sa 88 all ang laban.
Maliban pa dito ay nakakuha rin siya ng foul kay Chris Banchero kaya nakalamang sila ng 89-88.
Sa natitirang 8.7 seconds ay na-foul si Mark Borboran at naipasok nito ang kaniyang freethrow.
May tsansa pa sanang madala ni Banchero ang laro sa overtime subalit nabigo ito.
Nagtapos si Nambatac ng 17 points at tatlong steals habang mayroong 15 points, pitong rebounds at apat na assists si Henry Walker.
Tinanghal naman na best player of the game si Beau Belga na mayroong 16 points, walong rebounds at anim na assists.