-- Advertisements --
Nagbigay ng tips si National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) Chairman Gus Lagman para sa mabilis at maayos na pagboto ngayong Lunes ng ating mga kababayan.
Ayon kay Lagman, mas maigi kung maagang boboto sa halalan kaya dapat maaga din pumunta sa mga polling precints
Makakatulong din aniya kung may kodigo o listahan na ng mga iboboto dahil medyo mahaba ang balota at marami ang iboboto.
Dagdag pa ni Lagman, dapat tingnan din ng mga botante kung may dumi ang kanilang balota dahil maaari itong makaapekto sa pagbibilang ng boto.
Pagkatapos bumoto, makabubuti kung umuwi na agad ang mga botante para hindi na makasikip sa presinto at maipatupad pa rin ang social distancing, aniya.