-- Advertisements --

VIGAN CITY – Hindi ikinaila ng Commission on Elections (COMELEC) na magiging mababa ang voter turnout sa darating na May 13 midterm elections kagaya ng sinabi ng National Movement for Free Elections (NAMFREL).

Ito’y dahil hindi naman daw presidential elections ang gaganapin sa Lunes kaya pangkaraniwan na mababa ang voter turnout.

Ngunit sinabi ni COMELEC spokesman James Jimenez sa Bombo Radyo Vigan, na umaasa pa rin sila na tataas ng ilang porsyento ang voter turnout sa midterm elections ngayong taon kung ikokompara sa mga nagdaaang midterm elections na naganap sa bansa.

Isa sa mga tinitingnang posibleng rason ng pagtaas ng voter turnout sa Mayo 13 ay ang antas o level of engagement ng publiko sa eleksyon kung saan mas aktibo aniya ang publiko sa pakikibahagi sa iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa halalan.

Umaasa rin ang COMELECna mataas din ang porsyento ng mga boto na manggagaling sa mga kabataan ngayon dahil tinatayang 21 milyon ang bilang ng mga rehistradong botante na edad 18 pataas.