-- Advertisements --

Ikinulong ng Security Service ng Ukraine (SBU) ang umanoy namumuno sa iligal na kulungan na inakusahan sa pagkakasangkot sa pagpatay at torture sa mga mamamayan ng Ukrainians.

Ayon sa Interior Ministry ng Ukraine na nakakulong na ngayon si Denis Kulikvovsky o kilala bilang “Palych” at “Pershly”.

Inakusahan si “Palych” ng pagpapatakbo ng iligal na kulungan o kilala bilang “Isolation” sa Donetsk region.

Nagpapakilala umano siya bilang militant ng Donetsk People’s Republic (DPR).

Lumakas lamang ang kaso ng suspek matapos ang paglantad ng ilang mga biktima nito na nakatakas mula sa iligal na kulungan.