-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Pasasabugin gamit ang kanyon ang animoy lawa sa paanan ng Mount Apo sa bayan ng Makilala Cotabato.

Sa aerial survey ng Tactical Operation Group (TOG-11) ng Philippine Air Force kasama si Cotabato Vice-Governor Shirlyn Macasarte Villanueva nakita ang malaking guho ng lupa sa paanan ng Mount Apo.

Namuo sa itaas ang malaking lawa dulot ng landslide dahil sa malakas na lindol.

Itoy magdudulot ng trahedya kung mapuno ng tubig at gumuho uli kung saan pwedeng rumagasa ang baha patungo sa mga matataong lugar sa bayan ng Makilala.

Isa sa mga nakitang solusyon ay pasasabugin ito ng militar gamit ang 105 mm Howitzers Cannon.

Ngunit hindi pa ito pinal at kailangang suriing mabuti at pag-aralan para hindi malagay sa alangin ang sitwasyon ng taong bayan.

Nilinaw ni Cotabato Acting Governor Emmylou”Lala”Mendoza napaka-dilikado ng naturang plano at kailangan pag-aralan ng todo bago gawin para hindi pagsisihan kung ano ang maging epekto nito.