-- Advertisements --

Binaril patay ng mga police sa New Zealand ang isang “violent extremist” matapos manaksak ng ilang mga residente na ikinasugat ng anim na katao sa Auckland supermarket.

Tinawag ni Prime Minister Jacinda Ardern na “terrorist attack” ang ginawa ng Sri Lankan national na nauna nang isinailalim sa police surveillance.

Aniya, ang suspek ay inspired ng mga Islamic State (IS) terrorist group ngunit hindi na nila inilabas ang identity ng suspek.

Napag-alaman na sa anim na sugatan, isa sa mga ito ang nasa critical condition habang ang isa ay nasa seriuos condition.