-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ang nanalong banda sa Eurovision 2021 dahil umano sa paggamit ng droga sa show.

Kumalat kasi ang video na habang iniinterview ang bandang Maneskin ay isa sa kanilang miyembro na si Damiano David ay tila may hinihithit ito sa kanilang mesa.

Hindi gaanong makikita ang nasabing ginagawa nito dahil sa natatakpan ng mga bote ang mukha nito sa mesa.

Ayon sa European Broadcasting Union ang nasabing organizer na magsasagawa na sila ng imbestigasyon.

Isa sa naisip nila ay magpapatupad sila ng on-the-spot na drug test kung saan pumayag naman si David na magpa-drug test.

Paliwanag ni David na mayroong natapon na bote sa mesa kaya kaniya itong tinitignang mabuti.