-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Pormal pa ring iprinoklama ng Municipal Board of Canvassers (MBOC) sa Baggao, Cagayan, si Joan Dunuan na siyang nanalong alkalde sa kabila ng kanyang kinakaharap na disqualification case.

Sinabi ni Rigor Salvador, MBOC chairman, na ang proklamasyon kay Dunuan bilang bagong Baggao mayor ay dahil sa wala namang kautusan mula sa Commission on Elections (COMELEC) 1st Division at en banc na suspindihin ang proklamasyon.

Ugat ng disqualification case laban kay Dunuan na inilabas ng COMELEC 1st Division ay ang pagtanggal sa kanya sa serbisyo ng Civil Service Commission noong siya ang nakaupong vice mayor.

Nahatulan kasi siyang guilty sa kasong serious dishonesty dahil sa pamemeke umano sa kanyang daily time record noong siya pa ang administrative assistant ng Baggao-local government unit.