Nanawagan ang ilang mga lider ng bansa at mga electoral observers na dapat ilabas ng Venezuela ang kumpletong resulta ng halalan sa pagkapangulo.
Kasunod ito sa kinukuwestyon ang pagdeklara ni President Nicolas Maduro na ito ay nananalo sa pagkapangulo.
Hindi naman nagpatalo ang kampo ni opposition candidate Edmundo Gonzalez at nagmatigas na sila pa rin ang nanalo sa halalan.
Ayon sa inisyal na pahayag ng National Electoral Council (CNE) na nakakuha si Maduro ng 51 percent na panalo sa boto habang 44 percent lamang si Gonzalez.
Sa talumpati ng 61-anyos na si Maduro na handa na muli itong mamuno ng anim na taon mula 2025 hanggang 2031.
Nanawgan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres na dapat ilabas ang kumpletong resulta para magkaroon ng transparency.
Taong 2013 ng unang mamuno si Maduro ng pumanaw ang pinalitan nitong pangulo na si Hugo Chavez.