MANILA – Negatibo mula sa B.1.1.7 o UK variant ang girlfriend at nanay ng 29-anyos na lalaking kauna-unahang kaso ng bagong COVID-19 variant sa Pilipinas.
NEGATIBO sa UK variant ng Covid-19 ang girlfriend at nanay ng lalaking taga-Quezon City na nanggaling ng Dubai. Patuloy…
Posted by Quezon City Government on Friday, January 22, 2021
“NEGATIBO sa UK variant ng Covid-19 ang girlfriend at nanay ng lalaking taga-Quezon City na nanggaling ng Dubai,” nakasaad sa online post.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, patuloy na mino-monitor ng mga doktor ang lagay ng dalawa at hinihintay na lang na matapos ang kanilang isolation period.
Samantala, negatibo na rin daw sa pinaka-huling RT-PCR test ang lalaki matapos kuhaan ng swab samples nitong Huwebes.
“Kaninang umaga rin ay negatibo na ang resulta ng pinakahuling PCR test sa lalaki na unang nakitaan ng UK variant. Ginawa ang swabbing kahapon, at kanina lumabas ang resultang wala na siyang COVID-19.”
Dadaan na lang daw ito sa final medical assistance ng mga doktor sa quarantine facility bago payagang maka-uwi sa kanilang bahay.
“Dadaan pa siya sa final medical assessment ng mga doktor sa quarantine facility kung saan siya nanunuluyan, bago siya payagang muling makasama ang kanyang pamilya at makabalik sa kanilang komunidad.”