Dinampot ng Arizona police ang isang ina matapos nitong iwan sa loob ng mainit na sasakyan ang kaniyang sariling anak.
Bandang 4:22 ng hapon nang makatanggap umano ang mga otoridad ng impormasyon na isang sanggol ang umiiyak, pawis na pawis at tila naiwan sa loob ng naka lock na kotse.
Base na rin sa direktiba ng 911 dispatcher, binasag ng caller ang bintana ng kotse upang mailigtas ang sanggol. Kaagad namang ibinigay ang bata sa mga otoridad kung saan napag-alaman na may high blood pressure ito ngunit sinigurado naman na maayos ang kaniyang kalagayan.
Napag-alaman ng mga ito na naging busy pala ang nanay ng sanggol habang nagsho-shopping sa loob ng mall.
Nang malaman ng ina ang nangyari sa kaniyang anak ay mabilis itong tumakbo palabas ng mall at iniwan ang kaniyang tatlo pang anak.
Sa salaysay ni Platt sa mga pulis,nakalimutan nito ang kaniyang baby sa loob ng sasakyan dahil naging distracted umano ito sa tatlo pa niyang anak na nagmamadaling pumasok ng mall at bumili ng laruan.
Ayon pa sa mga pulis, umabot ng 18 minuto ang bata sa loob ng sasakyan habang nasa park ito sa tirik na araw.
Kaagad na itinurn-over ng Arizona police ang apat na bata sa kanilang ama habang kasalukuyan naman na nakakulong sa Maricopa county jail ang kanilang ina. (FOX news)