Nagsumite ng reklamo ngayong araw ang nanay ng isang menor-de-edad sa Department of Justice (DOJ) matapos ang umano’y paggamit sa kanilang pangalan na may kinalaman sa kasong rape kontra sa isang dayuhang negosyante sa Prosecutor’s Office ng lungsod ng Olangpo noong buwan ng Pebrero.
Ayon sa ibinahagi ni Atty. Baltazar Beltran na isang sulat na ipinadala kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Prosecutor General Richard Fadullon, sinabi ng naturang ina na hindi siya ang pumirma sa sinumpaang reklamo ng kanyang anak laban sa negosyante.
Kung saan sinabi rin niya na Enero ng kasalukuyang taon ay umalis sa kanilang tahanan ang kanyang anak na babae at ikinagulat ang napabalitang sinampahan ito ng reklamo na umano’y ‘3-counts of rape’ kasama ang corruption of minor at child abuse sa Piskalya ng Olongapo.
Sa kanyang naging testimonya sa Olangapo City Prosecutor, mariin niyang inihayag na simula ng umalis sa kanilang bahay ay hindi na nito alam ang kinaroroonan ng kanilang anak.
Sinasabing nangyari umano ang naturang insidente ng panghahalay sa isang resthourse ng negosyante noong Hulyo 2022 pa nang 15-anyos pa lamang ang biktima.
Habang isinampa ang reklamo o kaso sa pisklaya nito lamang Pebrero ng 13, sa kasalukuyang taon na halos 3 taon ang pagitan.
Samantala, ikinabahala naman ng abogadong si Beltran ang pagtanggi ng Deputy Prosecutor ng Olangapo na makaharap nila ang sinasabing biktima at piskal na nagpasumpa a kanyang para bigyang linaw ang insidente.
Aniya, kahina-hinala ito at posibleng gawa-gawa lamang ang reklamo sapagkat peke umano ang pagkatao ng nasa likod nito at maaring gawain lamang ito upang makapangikil.