-- Advertisements --
FBRLyJHVQAYplcT

Humina pa at naging low pressure area (LPA) na lamang ang bagyong Nando bago ito mag-sanib ng puwersa sa bagyong Maring.

Sa pinakahuling data mula sa Pagasa, nagsimula na rin umanong lumapit ang LPA sa sirkulasyon ng tropical storm Maring.

Posibleng magsama ang dalawang bagyo sa loob ng 12 oras.

Huling namataan ang tropical storm Maring sa layong 670 east ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ang bagyo ng pa-north north-west sa bilis na 30 kph.

Samantala ang dating tropical depression Nando na naging LPA ay huling namataan sa layong 1,105 km east ng Central Luzon.

Kumikilos ito pa-southwest sa bilis na 25 kph.