-- Advertisements --
Naglabas ang North Korea ng larawan ng kanilang leader na si Kim Jung Un na nakasakay sa puting kabayo.
Makikita rin sa background ng larawan ang nagyeyelong bundok na Mount Paektu, na isa sa pinakamahalagang cultural at geological sites.
Sinasabing makasaysayan ang lugar para sa pamilya ni Kim mula pa sa founder ng North Korea na si Kim Il Sung.
Sinabi ng ilang analyst ang nangangabayong si Kim Jung Un ay isa na namang uri ng propaganda at gimik upang ipaabot na nagmamatigas pa rin ang kumunistang bansa sa mga negosasyon lalo na sa Amerika.
Nitong buwan lamang ay nag-test fire ang North Korea nang umano’y bagong submarine-launched ballistic missile.