LAOAG CITY – Nagtuturuan ang mga kasapi o nangangasiwa ng P2P investment scam kung nasaan ang mga pera ng mga biktimang investors.
Nagpaliwanag ang isa sa mga account executive ng P2P investment scam sa Bombo Radyo sa sinabi ng lider na si Angelica Joyce Nacino na unang nahuli sa entrapment operation dito sa lungsod ng Laoag.
Iginiit kasi ni Nacino na wala sa kanya ang mga pera ng investors at nasa kamay ng mga naunang kasapi ng P2P investment.
Ayon naman sa account executive na nagpakilala sa pangalang “Aika”, isa ring biktima ng scam, tumatanggap siya ng pera mula sa mga investorts ngunit wala sa kanya ang mga pera dahil inireremit niya kay Nacino.
Sinabi ni Aika ang mga puhunan ng mga investors ay ipinapautang sa mga nagpepensyon o mga pulitko kung saan may interest na 60% sa loob ng isang linggo.
Umaabot pa sa times 2 ang pera at hanggang sa 50 times ang perang maibabalik sa mga investors.
Inihayag ni Aika na umabot sa P61 milyon ang naipasok na pera sa P2P mula sa tatlong libong investors habang P4.1 milyong ang naipasok mula sa 170 mga right nito.
Umabot din sa P39,000 ang napasakamay niya mula noong Agosto na nagcash-in P4,500 at P10,000.
Dagdag ni Aika na hindi daw sila namimilit sa mga investors kundi kusa sila nagcash-in.