TUGUEGARAO CITY – Ikinatuwa ng Nangaramoan Environment Protector Association ang muling pagbubukas ng Nangaramoan beach matapos isailalim ng mahigit isang taong rehabilitasyon sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.
Ayon sa grupo ng mga cottage operators, malaking tulong ito para sa kanilang pang-araw araw na pagkakitaan na bumagsak dahil sa pagsasara ng tourist spot.
Matatandaang Enero 2018 nang ipasara ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang beach sa Norte dahil sa paglabag sa sanitation facilities, building construction at environmental laws.
Naging problema ng lokal na pamahalaan ang mga nagtatayo ng bahay sa Nangaramoan partikular na yung malalapit sa dalampasigan at kabundukan.
Nabatid na muling pinayagan na mag-operate ito nitong April 11, 2019 matapos ang higit isang taon rehabilitasyon para masiguro ang kalinisan ng nasabing pook pasyalan
Ang 500-meters na white sand beach ay bahagi ng coral beaches sa coastline ng Cagayan province.
Taong 2013 nang kilalanin ito ng isang international news network bilang “one of the best in the world.â€
Naging site din ito ng US reality series na “Survivor†noong 2014.