KALIBO, Aklan – Nailigtas ng mga mangingisda ang isang pawikan na napadpad sa baybaying sakop ng Isla ng Boracay.
Nakita umano ng mga mangingisda ang pawikan sa laot na mistulang nanghihina kaya’t agad na isinakay sa bangka.
Dahil alam nilang bawal hulihin ang mga pawikan, ipinaalam nila sa mga awtoridad ang insidente.
Pansamantalang nasa pangangalaga ng Bantay Dagat at Philipppine Coast Guard sa bayan ng Malay ang pawikan.
Nakitaan din ng tag ang pawikan bilang palatandaan na ito ay nagmula sa bansang Sabah, Malaysia partikular sa Sea Turtle Islands.
Sa ilalim ng Wildlife Conservation and Protection Act of 2001, mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli at pagkatay sa mga pawikan.
Nabatid na maliban sa pawikan, may ilang dolphin at butanding din ang napapadpad sa karagatan ng Boracay na senyales na bumubuti na ang marine biodiversity sa lugar.