Bigo ang Brooklyn Nets na talunin ang nangungulelat na Detroit Pistons sa paghaharap ng dalawa ngayong araw, Nov. 4.
Naging susi sa panalo ng Pistons ang 2-way performance ni Jalen Duren – 13 points, 17 rebounds, kasama ang 19 points 6 rebounds na kontribusyon ng young star na si Cade Cunningham.
Hindi kinaya ng Nets ang consistent shooting ng Pistons sa kabila ng 26 points na ipinoste ni Cameron Johnson at 17 points na ipinasok ni Cam Thomas.
Hawak pa ng Nets ang 4-point lead sa pagtatapos ng 1st half ngunit sa kabuuan ng third quarter ay nagpasok ang Pistons ng 31 points kontra sa 20 points ng kalaban.
Sa 4th quarter, nalimitahan lamang ang Nets sa 15 points sa loob ng 12 mins. habang kabuuang 23 points ang ipinasok ng Pistons.
Ito na ang ikalawang panalo ng Pistons sa loob ng anim na laro ngayong season.
Nitong nakalipas na 2023-2024 season, naitala ng naturang koponan ang pinakamahabang magkakasunod na pagkatalo. Sa loob ng 28 na magkakasunod na laro ay hindi nagawa ng koponan na manalo. Ito ngayon ang nagsisilbing longest losing streak sa NBA.
Sa naturang season, tanging 14 games lamang ang nagawa nilang maipanalo at ibinulsa ang 68 na pagkatalo.