Wake up call ang nangyaring lindol sa Myanmar at ang pagbagsak ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela City upang mas maging handa ang bansa sa sakuna.
Ito ang binigyang-diin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung saan ang mga insidenteng ito ay mahalagang paalala ng pangangasilangan para sa higt na paghahanda ng Pilipinas sa sakuna.
Dahl dito, hiniling ni Pimentel sa Department of Public Works and Highway (DPWH) na magsagawa ng masusing pagsusuri sa structural integrity ng mga public infrastructure sa buong bansa
Binigyang-diin pa ng minority leader ang kahadaan sa lindol, na aniya ang bansa ay maraing active fault lines kabilang ang Marikina sa Metro Manila.
Kabilang aniya sa mga regular na paghahanda ay ang pagsasagawa ng komprehensibong earthquake drill sa buong bansa upang turuan ang mga komunidad sa mga hakbang sa kaligtasan.
Muling hinihimok ng mambabatas ang mga awtoridad na magsagawa ng mga pag-audit sa imprastraktura, ipatupad ang mahigpit na mga pamantayan ng mga gusali, at mag-invest sa mga disaster resilience programs upang mapangalagaan ang publiko mula sa mga potensyal na kalamidad.
Una nang umapela si Senador Alan Peter Cayetano sa DPWH na gawing pagkakataon ang insidenteng ito para sa tunay na reporma sa halip na magsisihan lang.
Ipinunto rin ng senador na ang pagsisiyasat sa pagbagsak ng tulay ay maaaring maging simula ng mas malawak na reporma sa kasalukuyan at sa mga susunod pang administrasyon.