LEGAZPI CITY- Siniguro ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ligtas na ang bansa sa banta ng tsunami.
Ito matapos na magpalabas ng tsunami warning ang ahensya sa Batanes Group of Islands, Cagayan, llocos Norte, at Isabela kasunod ng malakas na pagyanig sa Taiwan.
Kaugnay nito ay ipinaliwanag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Dr. Teresito Bacolcol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang naturang lindol sa Taiwan ay posibleng maihalintulad sa pinangangambahan na ‘the big one’ sa Pilipinas.
Hindi umano gaanong nakapagtala ng casualty ang lindol sa naturang bansa dahil sa karagatan ito tumama subalit iba aniya ang magiging sitwasyon sa ‘the big one.’
Paliwanag ng opisyal na tinitingnan na tatama ito sa West valley fault kung saan maraming populated areas ang tatamaan.
Nagbabala si Bacolcol na tinatayang nasa 33,000 na mga Pilipino ang magiging casualty kung hindi mapaghahandaan ng maayos ang ‘the big one.’