-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Japanese tennis star Naomi Osaka na hiwalay na sila ng ama ng kaniyang na si Cordae.

Kinumpirma nito ang nasabing balita sa kaniyang social media.

Sinabi ng 27-anyos na si Osaka na nagkasundo naman sila ng rapper na gagampanan niya ang pagiging ama sa anak nila.

Isinilang ni Osaka ang anak nilang babae na si Shai noong 2023.

Nilinaw nito na hindi naman masama ang loob niya subalit hindi na siya nagbigay ng dahilan ng kanilang hiwalayan.

Labis lamang siyang nagpapasalamat at nag-krus ang kanilang landas kung saan isang malaking biyaya ang kanilang anak.

Taong 2019 ng inamin ng dalawa ang kanilang relasyon at matapos ang ilang taon ay doon inanunsiyo ng dating World number 1 WTA ang kaniyang pagbubuntis.