-- Advertisements --
Bumagsak ang WTA singles world rankings ni dating World Number 1 Naomi Osaka.
Sa inilabas na listahan ng Women’s Tennis Association (WTA) na nasa pang-85 na ang rank nito.
Ito ang unang pagkakataon na hindi nakapasok sa top 50 ang 24-anyos Japanese tennis star.
Noong 2021 kasi ay naging limitado ang kaniyang paglalaro dahil naging prioridad aniya nito na alagaan ang kaniyang mental health.
Bago kasi ang Australian Open ay nasa ranked 71 ito hanggang mabigo siya sa ikatlong round ng torneo laban kay Amanda Anisimova ng US.