-- Advertisements --

Matapos ang hindi pagsali sa US Open noong nakaraang taon dahil sa panganganak ay muling nagbabalik ngayong taon si dating world number 1 tennis player na si Naomi Osaka.

Bilang endorser ng isang sports brand ay suot nito ang signature na kaniyang sapatos.

Magsisimula ang laban nito sa Agosto 28 laban kay number 10 seed na sai Jelena Ostapenko.

Inaasahan ng maraming fans na magtatagumpay si Osaka bilang siya ang dating two-time US Open champion.