-- Advertisements --
Mas pinili ni Naomi Osaka na maglaro sa ilalim ng Japan kaysa sa U.S. sa 2020 Tokyo Olympics.
Isang Japanese ang ina ng 21-anyos na tennis star habang isang Haitian ang ama nito bago ito dinala sa US.
Nakasaad sa batas ng Japan na ang isang tao na may dual nationality ay dapat mamili lamang ng isa sa pagsapit ng 22-anyos.
Ipagdiriwang ni Osaka ang kaniyang ika-22 taon sa darating na Oktubre 16.
Magugunitang tinalo ni Osaka si World number 1 Ash Barty sa China Open noong nakaraang Linggo.
Inirepresenta ni Osaka ang Japan noong WTA tour 2017.