-- Advertisements --

Pasok na sa ikaapat na round ng US Open si Naomi Osaka.

Ito ay matapos na malusutan niya si Marta Kostyuk ng Ukraine sa score na 6-3, 6-7(4), 6-2 sa New York.

Naging komplikado pa sa Japanese tennis star ang laban matapos na magkamit ito ng maraming fault.

Patuloy din niyang iniinda ang injury niya sa kaliwang hita na kaniyang nakuha noong nakaraang linggo.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Anett Kontaveit o kay Magda Linette.