-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals round ng Auckland classic si datintg world number one tennis Naomi Osaka.

Ito ang kaniyang kauna-unahang pagpasok sa semifinals mula noong 2022.

Tinalo kasi ng dating four-time Grand Slam champion si Hailey Baptist ng US sa score na 6-7(2/7), 6-1, 6-2.

Ang nasabing panalo ay siyang magpapatibay ng kaniyang puwesto sa nalalapit na Australian Open na gaganapin sa Melbourne.

Sinabi nito na nagiging sulit na ang kaniyang paghihirap matapos na makapasok sa final four ng WTA event sa unang pagkakataon mula noong Miami Open noong Abril 2022.

Magugunitang hindi nakapaglaro ang Japanese tennis star ng mahigit 15-buwan matapos na ito ay nanganak at nakabalik matapos ang 12 buwan.