-- Advertisements --

Nagpasya si Japanese tennis star Naomi Osaka na huwag ng maglaro sa Wimbledon.

Ito mismo ang kinumpirma ng kaniyang agent kung saan target nitong sumabak sa Tokyo Olympics.

Dagdag pa nito na inilalaan niya ang oras niya sa mga kaanak at kaibigan habang naghahanda sa Olympics.

Nagpahayag ito ng kasabikan na maglaro sa harap ng kaniyang kababayan sa huling linggo ng Hulyo.

Magugunitang nag-withdraw na sa paglalaro si Osaka sa French Open matapos umano dumanas ng depression.