-- Advertisements --

Napanatili ni Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue ang kaniyang pagiging undefeated matapos talunin si Pinoy boxer Michael “Hot and Spicy ” Dasmariñas.

Pinatumba kasi ng Japanese boxer si Dasmariñas sa ikatlong round sa kanilang laban na ginanap sa Virgin Hotels sa Las Vegas, Nevada.

Dahil dito ay matagumpay na naidepensa ng 28-anyos na si Inoue ang kaniyang IBF at WBA super world bantamweight titles at napalawig ang panalo sa 21 na mayroong 18 knockouts at wala pang talo.

Mula sa simula ng laban ay dominado ni Inoue ang laban kung saan tatlong beses niyang pinabagsak ang boksingero mula sa PIli, Camarines Sur.

Si Dasmariñas na ang pang-limang Filipino na nakatikim ng pagkatalo kay Inoue na una ay si Nonito Donaire noong 2019 at sina Crison Omayao, Jerson Mancio at Warlito Parrenas.