Nakatakdang depensahan ni Japanese boxer Naoya ‘Monster’ Inoue ang kanyang undisputed super-bantamweight world belt laban kay Irish challenger TJ Doheny.
Batay sa naging pahayag ng undefeated boxer, gaanapin ito sa Ariake Arena sa Tokyo, sa buwan ng Setyembre, 2024.
Sa kasalukuyan, hawak ni Inoue ang malinis na record na 27 wins; 24 dito ay pawang mga knockout.
Hawak naman ni Doheny ang 26 – 4 win/loss record kung saan 20 dito ay nagawa niyang maipanalo bilang mga knockout.
Dating hinawakan ni Doheny ang IBF super-bantamweight world title mula 2018 hanggang 2019.
Noong May 2024, nagawa ni Inoue na patumbahin si Mexican Luis Nery, ang ika-27 nakalaban niya sa kanyang professional career.
Sa naturang fight, lumaban din si Doheny sa ilalim ng undercard category kontra sa boksingerong Pinoy na si Bryl Bayagos at kanya itong naipanalo.
Samantala, pinapaburan si Inoue na mananalo sa magiging laban kay Doheny. Sa kasalukuyan ay 31 anyos si Inoue habang ang makakalabang Irishman ay 37 anyos.