KALIBO, Aklan – Pinagkaguluhan at ikinagulat ng mamamayan ang dambuhalang oarfish na napadpad sa dalampasigan ng baybaying sakop ng Barangay Poblacion, New Washington sa Aklan.
Ayon kay Aquaculturist II Rico Magno ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Aklan, ito ang unang beses na may natagpuang oarfish sa naturang lugar na may habang 3.15 meters, lapad na 30 centimeters at bigat na umaabot sa 20 kilos.
Aniya, posibleng nagambala ang tirahan ng isda na kadalasang naninirahan sa Atlantic ocean at Mediterranean Sea na may malamig na temperatura.
Pinaniniwalaan na may kaugnayan ito sa nangyaring lindol kamakailan sa Southern California.
Nabatid na mahina na ang nakitang isda nang iahon ng mga mangingisda kung saan matapos masuri ng BFAR, ay kanila itong niluto at ginawang pulutan.