Isa na namang dolphin na puno ang tiyan ng mga plastics ang panibagong nadiskubre sa estado ng Florida.
Ang seven-foot male dolphin ay napadpad sa Fort Meyers Beach sa Big Carlos Pass.
Kinumpirma ng Florida Fish and Wildlife Conservation Commission na matapos ang isinagawang necropsy ay narekober sa loob ng tiyan ng hayop ang dalawang talampakan na haba na shower hose.
Noon lamang buwan ng Abril isa ring dolphin ang nakitang patay na puno ang tiyan ng mga basura.
“This is the second stranded dolphin in one month’s time from this region that had ingested plastic – reminding us again to look closely at our habits. Your actions can make a difference – secure and properly dispose of trash, take part in coastal cleanups and share information on how to reduce marine debris with others,” ani Fish and Wildlife Research Institute post sa FB. “Although this is a significant finding, there are many additional factors to consider before a final cause of stranding and death for the dolphin can be determined. Samples collected during necropsy will be sent for analysis to help with this determination.”