-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pinanganganambahan na patay na ang marami sa mahigit sa 100 na missing na mga residente ng Leyte na naapektuhan sa paglandslide dahil bagyong Agaton.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan kay Major. Gen. Edgardo de Leon commander ng 8th ID Philippine Army na makikita ang napakalawak ang epekto ng landslide sa lugar sa isinagawa na aerial rapid assessment.

Ang mga bahay ay natabunan na makakapal na putik.

Pero umaasa pa rin ang mga rescuers na may makikita pa na buhay na mga residente na natabunan ng putik.

Ayon kay Gen. de Leon dumating na ang mga dagdag ng mga rescuers sa tutulong sa paghahanap sa missing na mga residente.

Kasama ni Gen. de Leon sa isinagawang aerial rapid assessment sa Baybay at sa Pilar, Leyte ay sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista at si Office Civil Defense Administrator, Usec, Ricardo Jalad.