-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Abot langit ang pasasalamat ni Ginang Flordeliza Yatar, residente ng Purok 20, Brgy. Baan Km. 3 nitong lungsod ng Butuan matapos nitong ma-claim ang napanalunang sien-mil pisos na special prize ng Silver Swan para sa pulo ng Mindanao kanina.

Gagamitin umano niya itong pantubos sa naisangla nilang kalabaw at pambayad na rin sa nautang nilang pera na ginamit sa pagpapakasal ng kanyang anak nito lang Hulyo a-7.

Samantala, maglalaan din sila para sa pinapangarap na negosyong litsong baboy ng kanyang asawa.

Malaki ang pasasalamat nito sa Panginoon, sa Bombo Radyo at sa mga sponsors sa paglunsad sa naturang promo na syang naging daan na maresolba na ang mga probema ng kanilang pamilya.