Maaari pa ring maghain ng motion for reconsideration si Negros Oriental Representative Arnolfo Tevels Jr. o humiling ng relief mula sa Korte Suprema laban sa pagpapatalsik sa kaniya mula sa House of Representatives.
Ito ang inihayag ni House Committe on Ethics and Privileges Vice Cahirperson at Nueva Ecija Rep. Rosanna Ria Vergara nang tanungin kung pinal na ang desisyon ng Mababang kapulungan ng Kongreso.
Tinanggal nga mula sa House si Teves na pinaniniwalaang nasa ibang bansa dahil sa patuloy na pagliban nito mula sa kaniyang tungkulin bilang isang mambabatas kasunod ng mga alegasyon na siya ang utak sa pamamaslang sa kaniyang mahigpit na karibal sa pulitika na si Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Naniniwala naman si Rep. Vergara na ituturo pa rin ng kataas-taasang hukuman ang sariling panuntunan ng mababang kapulungan at hindi nito madidiktahan ang kamara sa desisyon nito.
Dagdag pa ng mambabatas na hindi naman ito pumipigil sa kanila na tignan ang procedure kapag nabigyan ng due process si Congressman Arnie Teves. Ito aniya marahil ang pangunahing ikokonsidera ng Korte Suprema.
Matatandaan na nitong nakalipas na Miyerkules, sa botong 265-0-3, pinatalsik si Teves mula sa kaniyang pwesto bilang mambabatas na kumakatawan sa ikatlong distrito ng Negros Oriental.