Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na bahagi ng NPA death squads ang limang miyembro ng CPP-NPA-NDF members na napatay sa shootout sa Barangay San Juan, Baras, Rizal nuong nakaraang buwan na idineploy sa bahagi ng Southern Luzon, misyon ng mga ito para i-assasinate ang top national and local government leaders, kabilang ang mga police and military officers bilang “blood debts.”
Ayon sa kalihim maging siya ay isa sa mga target ng NPA liquidation squad.
Itinuturing na tagumpay ng kalihim ang pag neutralized sa limang NPA members, dahil nagawa nilang pigilan ang anumang masamang balak ng teroristang grupo.
Naniniwala si Ano na ang deployment ng NPA death squad sa mga urban areas ay nais ng nasabing grupo na iparamdam ang kanilang terroristic activities sa mga siyudad sa bansa ng sa gayon kanilang maipakita na kaya pa rin makipaglaban sa pamahalaan.
Ang mga ginagawang pagpatay ng liquidation squad ng NPA ay malinaw na extra judicial killings.
Inihayag din ng Kalihim na plano talaga ng NPA assassination unit na magtalaga ng terrorist cell sa probinsiya ng Rizal kung saan sakop nito ang kanilang southern Luzon operations, isang lokasyon na mas malapit sila sa Metro Manila.
Kabilang sa mga naaresto ng mga otoridad ang isang alias Sandra, miyembro ng Rebolusyonaryong Buwis sa kaaway na Uri at asawa ni alias Luis, Secretary Guerilla Front Cesar at alias Onli, regional intelligence officer na aktibong nag eextort ng pondo para sa communist terrorist group.
Dahil sa pinalakas na opensiba ng PNP at AFP laban sa NPA, lalong lumiit ang mundo ng mga ito.
Panawagan ni Ano, na sumuko na sa pamahalaan ang mga miyembro NPA, bago pa maging huli ang lahat.