Sinusuri na ng PNP SOCO ang cadavers ng dalawang napatay na Maute stragglers sa engkwentro sa loob ng main battle area sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force deputy commander Col. Romeo Brawner, naganap ang labanan habang nagpapatuloy ang clearing operations sa lugar.
Ikinalungkot naman ni Brawner ang balita na may dalawang sundalo ang nasugatan sa labanan.
Nakilala ang isa sa napatay na Maute stragglers na si Abu Talja, ang tinaguriang kanang kamay ni ASG leader Isnilon Hapilon.
Naniniwala naman si Brawner na ang pagkamatay ng dalawang terorista ay malaking kawalan para sa mga natitirang miyembro ng Maute-ISIS para makapag hasik pa ng karahasan.
Tiniyak ng militar na kahit may mga presensiya pa ng natitirang Maute stragglers, hindi naman ito hadlang sa ongoing clearing operations sa main battle area. (with reports from Bombo Patrick Tablon)