-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kinumpirma ng spokesperson ng 3rd Infantry Division, Philippine Army na mula sa Barangay Tacayan, Tapaz, Capiz ang isa NPA rebel na napatay sa engkwentro ng military at NPA sa Sitio Agdalusan, Barangay Jayobo, Lambunao, Iloilo.

Kinilala ang napatay na si Jemar Diaz, 21-anyos.

Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay Lt. Col. J-Jay Javines, kinilala si Diaz ng tiyahin kasama ang punong barangay ng Barangay Tacayan, Tapaz.

Matandaan nangyari ang engkwentro sa pagitan ng 82nd Infantry Batallion Philippine Army at rebeldeng grupo na nagresulta sa kamatayon ni Private First Class Mars Echevarria at pagkasugat ni Private First Class Joemarie Llesis.

Natagpuan ang bangkay ni Diaz 700 metros ang layo sa pinangyarihan ng enkwentro.

Ayon kay Javines na malaki ang posibilidad na iniwan na lamang si Diaz ng kanyang kasamahan para makatakas sa military.

Apat hanggang limang miyembro ng NPA ang sugatan kung saan isa ang namatay at inilibing sa hindi pa malamang lugar.

Narekober sa lugar ang dalawang 5.56mm M16A1 rifles, (2) caliber .45 M1911 pistols, (1) 5.56mm short magazine na may 20 live ammunition, (1) 7.62mm (AK) magazine; (1) 5.56mm long magazine; at (2) caliber .45 magazine na may seven rounds capacity.

Ayon sa tiyahin ni Diaz na sumanib sa NPA ang pamangkin noong Disyem-bre 2020 at simula noon hindi na ito nakauwi sa Capiz.