-- Advertisements --

Tinangka umanong tumakas sa North Korea ng South Korean fisheries official na pinatay nitong nakalipas na linggo ng mga sundalo ng North.

Ito ang lumabas sa naging imbestigasyon ng South Korean coast guard.

“The investigation team of the Coast Guard has judged that the missing official tried to defect to the North given the fact that he was wearing a life jacket when he was found by the North,” saad sa pahayag ng Korea Coast Guard.

Ang konklusyon daw ay batay sa impormasyon mula sa militar at iba pang mga circumstantial evidence.

“The North knew personal details of the missing official, he showed his willingness to defect to the North, and he was well aware of the surrounding coastal area of Yeonpyeong Island,” dagdag nito.

Ang Yeonpyeong Island ay matatagpuan malapit sa Northern Limit Line, ang de facto sea border sa pagitan ng dalawang Korea sa Yellow Sea.

Una rito, humingi ng paumanhin ang North Korea sa South Korea hinggil sa insidente.

Sa ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng naturang opisyal.